PatrolPH

Mall operators umapelang 'wag nang lagyan ng age limit ang mga bisita

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2021 05:21 PM

ABS-CBN News/File
Lumilibot ang isang bata kasama ang kaniyang mga kamag-anak sa isang mall sa Quezon City. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Umapela ang mall operators na huwag nang limitahan ang edad ng mga batang maaaring pumasok sa kanilang establisimyento. 

Sabi ng mga mall operator, pinaigting na nila ang seguridad sa mall para masunod ang health protocols. 

"We have already augmented our security, they will be going around to make sure that all safety protocols are in place, number one if you are in a Quezon City development, we have the QCPass," ani AC Legarda, Vice President for Operations ng AyalaLand malls. 

Ayon pa kay Robinsons Malls Operations Director Myron Yao: "Christmas season ngayon at least yung mga families natin, yung mga bata pwede tayong magsama sama mamili, kumain at mag-shop but of course we have to ensure na we are still following safety guidelines." 

Ang ilang mall, gaya ng SM North EDSA, todo-bantay para magpaalala sa mga magulang o guardian na sundin dapat ang health protocols. 

Sabi naman ng pamunuan ng mall, dumoble ang tao sa mga mall mula nang pinayagan ang mga bata at aminado silang mga menor de edad ang susi kaya nabuhay ang maraming negosyo. 

"Kasi yung mga 10 below, 7, 5 yrs old sila naghahatak sa mga parents to go to [the toy store], to the department store to buy their clothes also so there will be an effect," ani SM North EDSA head Jocelyn Clarino. 

Ayon naman kay Legarda: "They're all smiling, you feel the Christmas spirit already now so I hope they will reconsider that." 

Sa Huwebes tatalakayin ng Inter-Agency Task Force kung lilimitahan ang edad ng mga batang maaaring pumasok ng mall para iwasan ang hawahan sa COVID-19.

Pero nilinaw ng mga mall na susunod sila sa ano man ang magiging desisyon ng gobyerno. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.