PatrolPH

Presyo ng diesel tataas simula Nobyembre 24

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2020 11:29 AM | Updated as of Nov 23 2020 07:14 PM

Presyo ng diesel tataas simula Nobyembre 24 1
ABS-CBN News/File

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga oil firm na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel simula Martes, Nobyembre 24.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Seaoil, Cleanfuel, Caltex, Unioil, Petron, at PTT Philippines, tataasan nila nang P0.50 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Caltex, at Petron ng P0.30 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad 12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na mag-a-adjust alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.