Presyo ng mga produktong petrolyo may tapyas simula Nobyembre 26

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2019 04:21 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Nobyembre 26, ayon sa mga taga-industriya.

Sa ika-9 na sunod na linggo, may rollback na naman sa presyo ng diesel na tinatayang P0.10 hanggang P0.20 kada litro.

Pati gasolina, may bawas din na P0.30 hanggang P0.40 kada litro, habang maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene.
 
Inaasahang rollback sa petrolyo sa susunod na linggo:

  • Diesel → P0.10-P0.20/litro
  • Gasolina → P0.30-P0.40/litro
  • Kerosene → P0.10-P0.20/litro

Sa nakalipas na 8 linggo, umaabot na sa P2.60 kada litro ang kabuuang rollback sa diesel simula Oktubre 1.
    
Sa gasolina, halos P4 na rin ang nai-rollback sa parehong panahon.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.