PatrolPH

Presyo ng petrolyo babawasan sa Nobyembre 23

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 11:27 AM | Updated as of Nov 22 2021 06:34 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng bawas sa presyo ng petrolyo sa Martes, Nobyembre 23, ang ikatlong sunod na linggong nag-rollback ang mga presyo ng mga naturang produkto.

Ayon sa abiso ng mga kompanya, narito ang kanilang ipatutupad na bawas: 

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.20/L
KEROSENE -P1.30/L

Shell, Seaoil, Petron, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.20/L
KEROSENE -P1.30/L

PetroGazz, Total, PTT Philippines, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.20/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P0.85/L
DIESEL -P1.20/L

Sa nakalipas na 3 linggo, P2.75 na ang kabuuang ibinaba ng presyo ng kada litro ng gasolina habang P2.15 naman sa kada litro ng diesel at P2.35 sa kada litro ng kerosene.

Pero ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, hindi dapat umasa ang mga motoristang magtutuloy-tuloy ang mga rollback hanggang katapusan ng taon.

Kulang pa rin kasi ang supply ng langis sa buong mundo, ani Romero.

"Harinawa po ay magtuloy-tuloy pero huwag po tayong umaasa," ani Romero.

Kinumpirma naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na sa Miyerkoles ilulunsad ang subsidiya, kung saan higit 136,000 public utility jeepney units ang mabibigyan ng tig-P7,200 halaga ng diesel sa ilang sangay ng Shell, Petron, Total, Seaoil at Jetti Petroleum. 

Ayon sa Pasang Masda, magkakaroon sila ng pulong kasama ang ibang transport group at LTFRB para pag-usapan ang fuel subsidiy.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN news

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.