Mga mamimili, umaaray sa taas ng presyo ng gulay, isda sa Tandang Sora market

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2020 04:28 PM

Pinakaapektado ng taas presyo sa mga gulay ay yung tinatawag na native gaya ng talong, ampalaya, kamatis, at sitaw. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

MAYNILA — Umaaray pa rin ang mga mamimili sa taas ng presyo ng gulay at ibang pangunahing bilihin sa Tandang Sora Market sa Quezon City.

Pinakaapektado ng taas presyo sa mga gulay ay yung tinatawag na "native" gaya ng talong, ampalaya, kamatis, at sitaw, pati yung mga dahong-gulay gaya ng pechay, spinach, at kangkong.

  • Talong → P160/kg mula P80/kg
  • Ampalaya → P250/kg mula P80-P120/kg
  • Kamatis → P180/kg mula P120/kg
  • Pechay → P200/kilo mula P100/kg
  • Spinach → P15-P20/tali mula P10/tali
  • Kangkong → P20/tali mula P10/tali

Sabi ng mga tindera, mas malaki ang itinaas sa presyo ng mga ito dahil galing sa Gitnang Luzon na tinamaan din ng pagbaha noong nakaraang linggo.

Hindi naman gumalaw ang presyo ng bawang, okra, kalabasa, kalamansi, at luya pati yung ilang galing norte gaya ng cauliflower at broccoli.

  • Kalamansi → P80/kg
  • Luya → P160/kg
  • Okra → P10/tali
  • Kalabasa → P40/kg
  • Cauliflower → P250/kg
  • Brocooli → P300/kg
  • Bawang → P120/kg

Tumaas din ang presyo ng sayote, sibuyas at carrots.

  • Repolyo → P120/kg mula P100/kg
  • Sitaw → P40-P50/tali mula P20-P30/tali
  • Sayote → P70/kg mula P50/kg
  • Sibuyas → P160/kg mula P120/kg
  • Carrots → P100/kg mula P80/kg

Samantala, nagbebenta na nang palugi ang ilang nagtitinda ng isda dahil matumal anila ang benta.

Mataas man ang puhunan lalo na sa inangkat mula Dagupan at Batangas, kailangan din nilang mag-ubos ng kanilang stock.

Halos lahat kasi nagtaas-presyo nang P20 hanggang P30 kada kilo, lalo na ang bangus, galunggong at tilapia.

  • Bangus
    → Malaki P180-P190/kg mula P170/kg
    → Maliit P150/kg mula P120/kg
  • Galunggong → P260-P280/kg mula P240-P260/kg
  • Tilapia → P140-P150/kg mula P120/kg
  • Tulingan → P220/kg mula P260/kg (nagmura)
  • Tawilis → P180/kg (walang galaw)

Sa karne naman, bahagyang bumaba ang presyo ng baboy dito. Tumaas naman ang presyo ng manok nang P10 hanggang P20 kada kilo habang ang baka ay nanatiling nasa P400 kada kilo.

  • Baboy → P300/kg from P330/kg
  • Liempo → P330/kg from P340/kg
  • Manok → P150/kg buo mula P140/kg
  • Baka → P400/kg


—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.