Open-pit mining, bawal pa rin: Malacañang

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2017 09:17 PM

Hindi pa rin inaalis ni Pangulog Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa open-pit mining sa bansa, ayon sa tagapagsalita ng Palasyo.

Ito'y sa kabila ng mungkahi ng Mining Industry Coordinating Council (MICC), isang inter-agency panel na nagbibigay ng payo ukol sa mga patakarang may kaugnayan sa pagmimina, na alisin ang pagbabawal.

"I assure you that this is one of the instances when I personally asked the President if there's been a change in policy. And he says that's there's still no new policy on this, there's still a ban on new open-pit mining," ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing nitong Lunes. 

(Tinitiyak kong personal kong tinanong ang Pangulo kung nagkaroon ng pagbabago sa patakaran. Sabi niya wala, pinagbabawal pa rin ang bagong open-pit mining.)

Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang open-pit mining sa Pilipinas, na pinakamalaking exporter ng nickel ore sa buong mundo.

Sang-ayon din sa open-pit mining si Environment Secretary Roy Cimatu.

Matatandaang ipinagbawal ni dating Environment Secretary Gina Lopez ang open-pit mining dahil sa pinsalang idinudulot umano nito sa kalikasan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.