Agrikultura, patok pa rin sa ilang kabataan

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2017 07:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa modernong panahon ng teknolohiya, may mga kabataan pa ring nahihilig sa agrikultura.

Nakikita kasi nila ang oportunidad na kumita sa produksiyon at pangangasiwa sa tulong ng mga farming school.

Isa na rito ang 23 anyos na si Caroline Da Silva, na tubong Maynila.

Nagtapos ng kursong marketing si Da Silva ngunit lumipat sa linya ng agrikultura matapos mag-intern sa isang sakahan.

"It's not just tilling the land, tilling the soil, marami pang opportunities around it," ani Da Silva.

Hindi nagdalawang-isip si Da Silva na matutuhan ang farming, production, at agriculture management para kumita.

Impluwensiya naman ng magulang ang nagtulak sa 20 anyos na si Nathaniel Montiel para mahilig sa pagtatanim.

Organic agriculture ang kurso ni Montiel at balak niyang gamitin ang natututuhan sa munting lupa ng kaniyang pamilya.

Isa ang grupong AGREA sa mga nagsusulong ng sustainable agriculture sa bansa.

Hango ang pangalan ng grupo sa "agriculture" at salitang Griyego na "gaea" na nangangahulugang "lupa."

Sa ngayon, target nilang paunlarin ang agrikultura sa isla ng Marinduque.

"Our vision right now is, we're building the first one island economy in the Philippines... We're creating an island that is sustainable in agriculture," paliwanag ni Cherrie Atilano, pangulo ng AGREA.

Tuturuan din kung paano mamahala at kumita gamit ang financial literacy training para sa pagproseso ng mga naaaning produkto.

Nais din ng AGREA na ipakita sa mga kabataan na ang pagsasaka ay isang oportunidad para umunlad, kumita, at makatulong sa iba.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.