PatrolPH

Grupo hiling maayos na plano sa pagbabantay kontra bird flu

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2021 12:42 PM

Namimili ng manok ang ilang konsumer sa Paco Market sa Maynila noong Pebrero 22, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File 
Namimili ng manok ang ilang konsumer sa Paco Market sa Maynila noong Pebrero 22, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File 

MANILA - Nanawagan ang United Broilers Raisers Association para sa maayos na plano at sistema ng gobyerno sa pagtugon sa banta ng avian flu matapos ang naging karanasan ng bansa sa kumalat na African swine fever.

Paliwanag ni UBRA President Inciong David, hanggang ngayon ay walang inilalatag na plano ang Department of Agriculture at katunayan, tuloy pa rin ang pag-aangkat ng mga manok kung hindi aniya mapipigilan ang importasyon. 

Para kay David, patunay umano ito na hindi sineseryoso ng gobyerno ang problema. 

"Wala hong kumpyansa sa sistema dahil di nga ho mabisa ang sistema. Wala ho 'yung normal na katulad na ginagawa ng ibang bansa may mga facilities doon pa lang sa Customs, tine-testing na," ani David. 

"Samantalang sa importasyon, napakasigla gigil na gigil," dagdag niya.

Dapat matiyak din na may ayuda ang mga lokal na magmamanok at dapat ding matiyak na ligtas sa sakit ang mga inaangkat. 

Dapat din aniyang paigtingin pa ang inspeksyon dito. 

May ilang bansa gaya ng Japan at China na nakapagtala ng pagdami ng kaso ng avian flu o ang tinatawag na bird flu nitong mga nagdaang linggo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.