PatrolPH

Terminal fee sa Clark Airport, isasama na sa presyo ng ticket

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2020 05:39 AM | Updated as of Nov 18 2020 06:23 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Isasama na ang terminal fee ng Clark International Airport sa presyo ng ticket simula sa susunod na taon. 

Ayon sa operator ng Clark Airport na ang Luzon International Premier Airport Development Corp. (LIPAD) nitong Martes, may 17 na mga airline ang pumirma sa isang memorandum of agreement para sa terminal fee integration. Sisimulan ito sa January 1, 2021. 

Sa lahat na bibili ng domestic at international flight ticket sa susunod na taon, kasama na ang terminal fee sa ticket. 

Sa mga nakabili na ng ticket ngayon para sa flight sa susunod na taon, babayaran pa rin ang terminal fee sa counter sa airport. Nasa P150 ang fee para sa domestic at P600 sa international. 

Wala naman babayarang terminal fee ang mga sanggol at OFWs na may international flight. 

Clark International Airport na lang ang airport sa Pilipinas na hiwalay pa ang pagbayad ng terminal fee. 

Lahat ng airport sa bansa sa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines ay kasama na ang terminal fee sa presyo ng ticket.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.