Ilang kompanya ng langis, magpapatupad ng bawas-presyo sa Lunes, Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2018 06:32 PM | Updated as of Dec 16 2019 12:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-anunsiyo ngayong Linggo ang iba pang kompanya ng langis na magpapatupad din sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto. 

Simula Lunes, alas-6 ng umaga, ipatutupad ng SEAOIL ang P1.30 bawas sa kada litro ng gasolina, P1.10 bawas sa kada litro ng diesel, at P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad din sa Lunes, alas-6 ng umaga, ang Jetti Pump at Petro Gazz ng P1.30 bawas sa kada litro ng gasolina, at P1.10 bawas sa kada litro ng diesel.

Sa Martes, alas-6 ng umaga naman ipatutupad ng Shell at Caltex ang tapyas nilang P1.25 sa kada litro ng gasolina, P1.10 kada litro ng diesel, at P0.80 sa kada litro ng kerosene.

Parehong presyo rin ang rollback ng PTT Philippines sa gasolina at diesel sa Martes.

Nagpatupad ngayong Linggo ang Clean Fuel at Unioil Petroleum ng P1.30 tapyas sa kada litro ng gasolina at P1.10 tapyas sa kada litro ng diesel.

Noong Sabado, nagpatupad din ng bawas-presyo sa gasolina at diesel ang Phoenix Petroleum. 

-- Ulat ni Alvin Elchco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.