ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo ngayong linggo

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2018 02:12 PM | Updated as of Nov 18 2018 05:16 PM

MAYNILA -- (UPDATED) May rollback na inanunsiyo ang ilang kompanya ng petrolyo para sa linggong ito. 

Kabilang na rito ang bawas-presyo ng Unioil Petroleum Philippines, na epektibo alas-6:01 ng umaga, ngayong araw ng Linggo.

ROLLBACK NG UNIOIL PETROLIUM

  • Euro 5 Gasoline → P1.30/litro
  • Euro 5 Diesel: → P1.10/litro

Nag-anunsiyo rin ng rollback ang Petro Gazz, Seaoil at Jetti epektibo alas-6 ng umaga sa Lunes. 

ROLLBACK NG PETRO GAZZ

  • Gasolina → P1.30/litro
  • Diesel: → P1.10/litro

ROLLBACK NG SEAOIL

  • Gasolina → P1.30/litro
  • Diesel: → P1.10/litro
  • Kerosene: → P0.80/litro

ROLLBACK NG JETTI 

  • Gasolina → P1.30/litro
  • Diesel: → P1.10/litro

Samantala, sa Martes naman, Nobyembre 20, ay may rollback din ang Shell, epektibo alas-6 ng umaga.

ROLLBACK NG SHELL 

  • Gasolina → P1.25/litro
  • Diesel: → P1.10/litro
  • Kerosene: → P0.80/litro​

ROLLBACK NG CALTEX 

  • Gasolina (Platinum at Silver) → P1.25/litro
  • Diesel: → P1.10/litro
  • Kerosene: → P0.80/litro

Nito lamang Sabado ay nag-anunsiyo na rin ng rollback ang Phoenix Petroleum at Clean Fuel.

Sa nakalipas na limang linggo, umaabot na ng lagpas P7 ang nai-rollback sa gasolina at mahigit P5 naman sa diesel. ​​ — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News