ALAMIN: 'Dagdag-bawas' presyo ng petrolyo simula Oktubre 17

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 12:56 PM

Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ngayong linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina at bawas sa presyo ng diesel at kerosene.

Simula alas-4:01 ng hapon, babawasan ng Cleanfuel ng P0.30 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel habang tataas naman ng P0.80 kada litro ang presyo ng gasolina.

Ang iba namang mga kompanya ay magpapatupad ng bagong presyo simula Martes, Nobyembre 19:

PETRON (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.80/L
DIESEL -P0.30/L
KEROSENE -P0.20/L

SHELL (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.85/L
DIESEL -P0.15/L
KEROSENE -P0.25/L

PETRO GAZZ (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.85/L
DIESEL -P0.15/L

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.