ALAMIN: Bawas-presyo sa petrolyo simula nitong Sabado

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 05:44 PM

Tuloy ang ligaya ng mga motorista dahil may malaki-laki na namang rollback sa presyo ng diesel, gasolina, at gaas na umarangkada na ngayong araw.
    
Nauna na namang nag-anunsiyo ng rollback ang Phoenix Petroleum na ipinatupad nila Sabado ng tanghali. 

ROLLBACK NG PHOENIX PETROLEUM

  • Gasolina → P1.30/litro 
  • Diesel → P1.10/litro

Sabado ng hatinggabi naman ang kaparehong rollback ng kompanyang Clean Fuel.

ROLLBACK NG CLEAN FUEL

  • Gasolina → P1.30/litro 
  • Diesel → P1.10/litro

Batay sa kuwenta matapos ang isang linggong trading, nasa P1.30 hanggang P1.40 kada litro ang ibinaba sa presyo ng imported na gasolina habang P1.10 hanggang P1.15 sa diesel.



    
Pati kerosene, maglalaro rin sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang magiging bawas-presyo.

Sa nakalipas na limang linggo, umaabot na ng lagpas P7 ang nai-rollback sa gasolina at mahigit P5 naman sa diesel. 

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.