Dahil sa balita sa COVID-19 vaccine: 'Big time' oil price hike nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2020 02:39 PM

Ayon sa ilang oil company, sumirit ang presyo ng langis sa world market dahil sa inaasahang pagsipa ng demand sa langis kasunod ng anunisyo ng ilang kompanya na malapit nang ilabas ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19). ABS-CBN News/File


MAYNILA - Big time ang inaasahang oil price hike sa lahat ng produktong petrolyo sa ika-3 linggo ng Nobyembre. 

Inaasahang taas-presyo sa langis: 

• Diesel P1.50-P1.60/litro
• Gasolina P1.10-P1.20/litro
• Kerosene P1.30-P1.40/litro

Ang diesel, maglalaro sa P1.50 hanggang P1.60 kada litro ang taas-presyo. 

Nasa P1.10 hanggang P1.20 naman ang inaasahang pagtaas ng presyo sa kada litro ng gasolina. 

Ang presyo ng kerosene, inaasahang tataas ng P1.30 hanggang P1.40 kada litro. 

Paliwanag ng ilang kompanya, sumirit ang presyo ng langis sa world market dahil sa inaasahang pagsipa ng demand sa langis kasunod ng anunisyo ng ilang kompanya na malapit nang ilabas ang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19). 

Kapag kasi may bakuna na, inaasahang muling sisigla ang ekonomiya at babalik na ang mga biyahe na magpapalakas ng konsumo ng langis. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO: 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.