Rice retailers sa Iligan, lito pa rin sa labelling at SRP

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2018 10:02 PM

Marami pa ring rice retailers sa Iligan City ang nalilito sa suggested retail price at labelling ng bigas na ipinapatupad ng National Food Authority (NFA). Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

ILIGAN CITY – Nalilito pa rin ang ilang rice retailers sa pag-label ng bigas na special, premium at well-milled, ayon sa National Food Authority (NFA) matapos nilang ikutin ang palengke at inspeksyunin ang ilang mga tindahan.

Ayon kay NFA investigator Laura Pelletero, may ilan din na sadyang ginawa na special ang premium lang na uri ng bigas upang ‘di malugi sa bigas na nabili nila sa mataas na presyo bago ipinatupad ang SRP. 

Dagdag ni Pelletero, inunawa na lang muna nila ang retailers pero binibigyan lang nila ito ng isang buwan upang maubos ang lumang suplay at istriktong ipatupad na ang SRP.

Sa kabila ng pagkalito, may ilan ding retailers na nagkusa na pagtupad ng SRP at tamang labelling kahit may kaunting lugi. 

Babawi na lang daw sila sa susunod na supply dahil bumaba na din naman ang presyo ng mga wholesaler.

Pansin rin ng retailers na lumakas ang kanilang benta dahil mas marami na ang nabibili sa budget ng mga consumer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.