Presyo ng gasolina, diesel may higit P2 rollback sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2018 07:12 PM

May big time rollback muli sa gasolina, diesel, at kerosene sa susunod na linggo.

 Tinatayang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo:

  •  Gasolina → P2.40-P2.50/litro
  • Diesel → P2.00-P2.10/litro
  •  Kerosene → P1.70-P1.80/litro

Patuloy kasi ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market dahil sobra pa ang suplay kumpara sa pangangailangan ng langis sa merkado.

Sa Pilipinas, ito na ang magiging ika-5 sa magkakasunod na rollback.

Kabuuang rollback simula Oktubre 15:

  •  Gasolina → P5.20-P5.30/litro
  •  Diesel → P3.05-P3.15/litro
  •  Kerosene → P2.40-P2.42/litro

    
Sa nakalipas na apat na linggo, pumalo na sa mahigit P5 ang nabawas sa presyo ng gasolina, lagpas P3 naman sa diesel, at mahigit P2 sa kerosene.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.