Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa simula Nobyembre 12

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 05:21 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Nobyembre 12. 

Tuloy ang rollback sa diesel sa ikapitong sunod na linggo pero magkakaroon naman ng taas-presyo ang gasolina. 

 Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo sa Martes:

  • Gasolina → P0.90-P1.00/litro (DAGDAG)
  • Diesel → P0.10-P0.20/litro (BAWAS) 
  • Kerosene → P0.10-P0.20/litro (BAWAS) 

Kung susumahin, P2.55 na ang nabawas sa presyo ng diesel simula Oktubre 1. 

Lagpas P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.