Presyo ng bilihin sa ilang palengke sa QC, tumaas

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 02:37 PM

Tumaas ang presyo ng ilang gulay at baboy sa Quezon City, partikular na sa Tandang Sora Market at Mega Q Mart, 47 araw bago mag-Pasko. 

Sa Tandang Sora Market, tumaas ang presyo ng talong at ampalaya sa P80/kilo mula sa P60/kilo. Mula naman sa P80/kilo, tumaas ang presyo ng carrots at repolyo sa P100/kilo. 

Doble naman ang itinaas ng kamatis na dating P40/kilo, at nasa P80/kilo na ngayon. 

Tumaas ang presyo ng patatas sa P120/kilo, mula sa P80/kilo. Steady ang presyo ng bawang at sibuyas na nasa P80/kilo at luya na nasa P100/kilo. 

Tumaas naman ng P10 ang presyo ng manok na tumaas sa P160 mula sa P150, at baboy na P220/kilo mula P210/kilo. 

Nasa P200/kilo mula sa P180 ang presyo ng bangus. Habang P100/kilo ang presyo ng tilapia at P120/kilo ang presyo ng galunggong. 

Bagama't steady ang presyuhan ng baboy sa Mega Q Mart, tumaas naman ang presyo ng manok, isda at baka. 

Ayon sa mga nagtitinda, nagkulang ang suplay o delivery sa kanila noong Undas. 

PRESYO NG BAKA SA MEGA Q MART: 

  •  Laman→300/kilo (dati: 295/kilo) 
  •  Panlaga→215/kilo (dati: 212/kilo) 
  •  Buto-buto→200/kilo (dati: 190/kilo) 

Gaya ng Tandang Sora Market, nasa P160/kilo ang presyuhan ng manok sa Mega Q Mart. 

Mas mahal naman ang galunggong sa Mega Q Mart, na nasa P140/kilo mula sa P100 hanggang P120/kilo 

Nasa P170 kada kilo naman ang bangus na dating P160 sa nasabing pamilihan. 

Ayon sa mga tindera at tindero asahan na habang papalapit ang Pasko ay tataas pa ang presyo ng mga bilihin.

-- May ulat nina Raya Capulong at Tina Marasigan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.