Paglago ng ekonomiya, pinakamabagal simula 2015 | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglago ng ekonomiya, pinakamabagal simula 2015

Paglago ng ekonomiya, pinakamabagal simula 2015

ABS-CBN News

Clipboard

Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter (Q3) ng 2018, base sa naitalang gross domestic product (GDP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang gross domestic product ay sukatan ng lahat ng mga ginagawang produkto at ibinigay na serbisyo sa loob ng bansa sa itinakdang panahon.

Base sa datos na inilabas nitong Huwebes, 6.1 porsiyento lamang ang inilago ng ekonomiya ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre, na bahagyang mas mababa sa 6.2 porsiyentong naitala noong Abril hanggang Hulyo nitong taon.

Ito ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya tuwing Q3 magmula pa noong second quarter ng 2015, ayon sa PSA.

ADVERTISEMENT

Nakita rin ang pagbagal ng paglago sa household consumption, na pinakamabagal sa loob ng 4 taon. Dahil ito umano sa pagbaba ng paggastos sa pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin.

Nasa 6.9 porsiyento naman ang naging paglago sa serbisyo habang nasa 6.2 porsiyento ang natamong paglago sa industriya.

Nagkaroon naman ng 0.4 porsiyento bawas sa agrikultura sa Q3, na maaaring dahil sa pinsalang dala ng mga dumating na bagyo sa mga pananim, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Nananatili ang Pilipinas na isa sa may pinakamabilis na lumagong ekonomiya sa Asya, kasunod ang Vietnam na may 7 porsiyentong GDP, at Tsina na may 6.5 porsiyentong GDP.

"We are not exactly exuberant about the 6.1-percent growth rate, but still comforted that we still remain one of the fastest growing economies in Asia," aniya.

Dagdag ng kalihim na kinakailangan ang 7 porsiyentong GDP sa Q4 para makamit ang low-end target na overall GDP nitong taon na 6.5 hanggang 6.9 porsiyento.

Magugunita ring bumagal ang paglago ng ekonomiya noong nakaraang quarter, o mula Abril hanggang Hunyo dahil umano sa pansamantalang pagsara ng Boracay at mas mabilis na inflation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.