Diesel, kerosene may taas-presyo sa ika-2 linggo ng Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2020 04:29 PM | Updated as of Nov 07 2020 07:03 PM

Diesel, kerosene may taas-presyo sa ika-2 linggo ng Nobyembre 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene habang may bawas-presyo ang gasolina sa ika-2 linggo ng Nobyembre, ayon sa mga taga-industriya. 

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:
• Kerosene → P0.30 - P0.50/litro (dagdag)
• Diesel → P0.15 - P0.25/litro (dagdag) 
• Gasolina → P0.20 - P30/litro (bawas

Nasa P0.30 hanggang P0.50 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng kerosene. 

Samantala ang nagbabadyang dagdag-presyo sa diesel, nasa P0.15 hanggang P0.25 kada litro. 

May P0.20 hanggang P0.30 namang rollback sa kada litro ng gasolina. 

Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News