#WalangTubig: 32 barangay sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 03:40 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang 32 barangay sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Quezon City simula gabi ng Huwebes dahil sa emergency leak repairs, sabi ngayong Miyerkoles ng Maynilad.

Magsasagawa ng leak repairs sa kanto ng C. Benitez Street at Mariposa Street sa Barangay Horseshoe, Quezon City simula alas-10 ng gabi ng Huwebes, Nobyembre 8, hanggang alas-6 ng umaga ng Biyernes, Nobyembre 9.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang mga sumusunod:

MANDALUYONG

  •  Wack-Wack
  •  Mauway
  •  Addition Hills
  • Highway Hills
  •  Malamig
  •  Buwayang Bato
  •  Barangka Ilaya
  •  Plainview
  •  Barangka Itaas
  •  Barangka Ibaba
  • Barangka Drive
  • Pleasant Hills
  •  Hulo

SAN JUAN

  •  Greenhills
  • Addition Hills
  •  Little Baguio
  •  Pasadena
  • Corazon De Jesus
  •  West Crame

PASIG

  •  Ugong
  •  Oranbo
  • Pineda
  • Bagong Ilog
  •  Kapitolyo
  • San Antonio

QUEZON CITY

  •  Kaunlaran
  •  Bagong Lipunan
  •  Horseshoe
  •  Valencia
  •  Immaculate Conception
  • San Martin de Porres
  • Ugong Norte
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.