Singil ng Meralco sa kuryente, aakyat nitong Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 11:59 AM | Updated as of Aug 04 2019 01:04 PM

Watch more in iWantTFC

Nag-anunsiyo ang Meralco nitong Miyerkoles na magkakaroon ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre.

Magdadagdagan ng P0.1135 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa bill sa Nobyembre. 

Katumbas ito ng P22.70 na dagdag sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P34.05 sa 300 kWh, P45.40 sa 400 kWh, at P56.75 sa 500 kWh.

Paliwanag ng Meralco na nagmahal ang bentahan ng kuryente sa spot market na pinagkukuhanan ng suplay ng kuryente. 

Nilinaw ng Meralco na mababa pa rin ang kasalukuyang singilan ng kuryente. 

Pero anila, magandang balita ang mga rollback ng mga presyo ng langis para sa mga customer ng Meralco. 

Nakabase rin kasi sa presyo ng krudo sa world market ang suplay ng kuryente ng Meralco. 

Base sa imported na krudo ang presyo ng natural gas, na pinanggagalingan ng 60 porsiyento ng suplay ng Meralco. 

"If it will influence the Malampaya gas price, it will be good news if sustained," ani Meralco Utility Economics head Larry Fernandez. 

Batay naman sa unang dalawang araw ng trading, posible ang ikalimang sunod na linggong rollback sa langis sa susunod na linggo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.