Presyo ng manok sa Bacolod tumaas

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 07:09 PM | Updated as of Aug 04 2019 02:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Habang papalapit na ang Kapaskuhan, nagsimula nang tumaas ang presyo ng dressed chicken o buong manok sa pamilihan sa Bacolod City. 

Mula sa P165 kada kilo, nasa P170 na kada kilo ang presyo ng dressed chicken. Kaya ang ilan tulad ni Mildred Lacorte, naghihigpit ng sinturon sa pagbili ng manok. 

Aniya, bumili na lang siya ng tinging chicken wings na nasa 420 grams at gulay tulad ng patatas at carrots para sa lulutuing chicken curry. 

"Huo para nga isa ka kaon. Mabakal pa ko gani kuwan, patatas kag carrots kag chicken curry. Sobra pa P100 eh. Kay ang patatas nga daan tag lima man ang bilog. Ti 2 ka bilog. Ang gata pa," ani Lacorte.

(Isang kainan na ito. Bibili pa ako ng patatas, carrots, curry at gata. Mahigit na sa P100 lahat ng ito) 

Ayon sa ilang tindera, inaasahang tataas pa ang presyo nito sa P180 sa Disyembre dahil tumataas ang demand habang paparating ang Kapaskuhan. 

Pero anila, hati ang pananaw ng kanilang mga mamimili. 

"Ang iban gareklamo. Pero iban daw kaintiende man kay price. Pero subong siguro makalab ot sa P180 siguro mag December," ani tinderang si Agnes Montenegro

(May mga nagrereklamo dahil namamahalan sa presyo, pero may mga nakakaintindi naman.)

Tumaas din ang presyo ng ilang gulay sa merkado tulad ng patatas na P80 na mula sa dating P55. 

-- Ulat ni Yasmin Dormido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.