Ilang jeep di pa rin makabiyahe kahit nadagdagan ng 35 ang mga ruta

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2020 09:05 AM

Ilang jeep di pa rin makabiyahe kahit nadagdagan ng 35 ang mga ruta 1
Commuters ride a passenger utility jeepney in Manila on September 14, 2020, as the transportation department eases the physical distancing rule in public transport systems. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Marami pa ring mga tsuper ang hindi nakakabiyahe kahit pa nadagdagan ng 35 ang ruta ng mga jeep ngayong Martes.

Ang karagdagang ruta ay alinsunod sa memorandum circular na ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Lunes.

“Wala pang QR code, holiday kahapon, baka sakali ngayon makakuha ako,” sabi ni Nelson Evia, isa sa mga tsuper sa Cubao-Bagumbayan. 

Ayon kay Evia, malaking problema rin sa kanila ang mga gagastusin sa pagbili ng plastic divider para makasunod sa ipinatutupad na safety protocol.

Paliwanag ni Evia, hirap pa rin sila sa paghanap ng pera lalo pa’t walong buwan silang halos hindi nakabiyahe. Lyza Aquino, ABS-CBN News