BUSINA: Rollback sa presyo ng petrolyo inaasahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2018 02:34 PM

Sa ika-4 na sunod na linggo, may inaasahan na namang rollback sa presyo ng petrolyo simula Martes.

Maglalaro sa P1 hanggang P1.10 kada litro ang magiging bawas sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.60 hanggang P0.70 naman ang magiging rollback sa kerosene.

TINATAYANG ROLLBACK SA MARTES

  • Diesel → P1.00-P1.10/litro
  • Gasolina → P1.00-P1.10/litro
  • Kerosene → P0.60-P0.70/litro

Kung susumahin, umabot na sa lagpas P4 ang nai-rollback sa gasolina, mahigit P2 sa diesel, at P1.75 naman sa kerosene sa loob ng tatlong linggo.

Pero bago ang serye ng rollback, siyam na beses ding sunod-sunod na tumaas ang presyo ng langis na umabot nang mahigit P5 sa kada litro sa diesel at gasolina.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.