Ilang gasolinahan may rollback simula Nobyembre 3

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2019 05:58 PM

MAYNILA — Panibagong rollback sa presyo ng petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo, ayon sa mga kompanya ng langis.

Unang nag-anunsiyo ang Petron at Shell pati na ang independent player na Clean Fuel ng kanilang bawas-presyo.

Rollback ng Shell, Petron, at Clean Fuel

  • Diesel → P0.25/litro
  • Gasoline → P0.10/litro

Epektibo ang rollback ng Shell at Petron sa Martes pero ang Clean Fuel ay ipatutupad na ang kanilang tapyas-singil simula Linggo ng hapon.

Wala pang sinasabi ang ibang kompanya kung magkano ang kanilang magiging rollback.

Ito rin ang ikaanim na linggo na may rollback sa diesel.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.