Presyo ng bulaklak sa Farmers Market, QC tumaas

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 01:19 PM

Dalawang araw bago mag-Undas, tumaas ang presyo ng mga ibinebentang bulaklak sa Farmers Market sa Cubao, Quezon City.

Narito ang presyo ng mga bulaklak, base sa pag-iikot ng ABS-CBN News:

Nasa P100 na ang kada piraso ng rose mula P50. Kapag may arrangement ay nasa P800 habang P500 naman ang kada bundle nito.

Ang paper roses ay nasa P300 kada stem mula P250 habang ang daisy ay nasa P150 kada stem mula P100.

Umakyat naman sa P350 ang kada tangkay ng sunflower mula P250 habang P400 naman ang kada stem ng stargazer mula P350.

Tumaas sa P200 ang presyo ng kada stem ng carnation mula P150 habang P150 naman ang kada 2 stem ng malaysian mums mula P100.

Nasa P400 ang presyo ng maliliit na flower basket habang nasa P1,500 o P2,000 naman ang mga flower arrangement, depende sa bulaklak.

Inaasahan ng mga nagtitinda na tataas pa ang presyo ng bulaklak hanggang Nobyembre.

Samantala, nasa P400 naman ang kada 2 piraso ng extra large candles na ibinebenta sa Farmers Market.

Ang 2 pirasong large candles naman ay nasa P200 habang P100 ang kada 4 piraso ng medium candles.

Nasa P100 naman ang kada piraso ng small candles with glass habang P450 naman ang kada piraso ng large candles with glass.

Ang kada piraso naman ng jelly candles ay may presyong P450.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.