Presyo ng bulaklak sa Dangwa tumaas bago mag-Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2019 05:12 PM | Updated as of Oct 30 2019 08:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dalawang araw bago mag-Undas, tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa Dangwa ngayong Miyerkoles, nakitang tumaas sa P150 ang kada stem ng sunflower mula P100 noong Lunes.

Nasa P180 naman ang kada 10 stem ng carnation at gerbera. Noong Lunes, nasa P170 ang kada 10 stem ng gerbera habang P170 naman ang bawat bundle ng carnation.

Nasa P150 hanggang P160 naman ang kada balot ng Malaysian mums at P800 kada balot ng orchids.

Ang presyo ng arranged flowers ay nasa P800 kung malaki at P500 kung malaki.

Naglalaro naman sa P1,900 hanggang P2,000 ang presyo ng wreath flowers.

Inaasahang tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa Huwebes.

Bukod sa Dangwa, tumaas din ang presyo ng mga bulaklak sa Farmers Market sa Cubao, Quezon City.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.