PatrolPH

'Big-time' rollback sa LPG, inaasahan sa pagpasok ng Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 05:12 PM | Updated as of Oct 29 2018 09:06 PM

May inaasahang malakihang bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Huwebes, Nobyembre 1.

Ayon sa sources ng ABS-CBN News, tinatayang nasa P5 hanggang P7 kada kilo o katumbas ng P55 hanggang P77 sa 11 kilogramo na tangke ang mababawas.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, posible ito dahil galing sa krudo ang LPG.

"Dine-declare 'yong sa Saudi governor na parang oversupply ng market. In fact, isang magandang pangyayari doon, itong crude ng United States, tumaas ang kaniyang inventory," ani Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero.

"Katulad ng sinasabi natin, malaking consumer si United States, at least hindi na siya makikiagaw sa world supply," dagdag ni Romero.

Sa Oktubre 31 pa malalaman kung magkano talaga ang bawas sa presyo ng LPG.

—Ulat nina Alvin Elchico at Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.