ALAMIN: Magkano ang dagdag-sahod ng mga papasok sa Undas holidays

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2018 08:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na sundin ang pay rules o patakaran ng pagpapasahod sa mga manggagawang papasok ngayong Undas holidays.

Ayon sa DOLE, may dagdag na 30 porsiyento ng kanilang daily rate ang sahod ng mga manggagawang papasok sa Nobyembre 1 at 2, na mga special non-working holiday.

Kung ang manggagawa ay sumasahod ng minimum wage, halimbawa, P153.60 ang dapat idagdag sa P512. Kung susumahin, P665.60 na ang matatanggap ng manggagawa.

Pero idadagdag pa ito sa cost of living allowance (COLA) na karaniwan ay nasa P10 hanggang P20.

Kapag nag-overtime pa ang manggagawa, may dagdag ulit na 30 porsiyento sa hourly rate.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.