Cleanfuel may rollback sa presyo ng diesel, gasolina

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 04:16 PM

Inanunsiyo ng Cleanfuel na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ngayong Linggo, Oktubre 27.

Ayon sa kompanya, P0.20 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng diesel at P0.60 naman sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang bagong presyo alas-4:01 ng hapon.

Inaantabayanan pa ang abiso ng ibang oil firm sa galaw ng presyo ng kanilang mga produkyo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.