Bagong rollback sa presyo ng petrolyo ipatutupad sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 06:26 PM


MAYNILA — Magpapatupad muli ng bahagyang rollback sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa susunod na linggo. 

Tinatayang rollback sa produktong petrolyo: 

  • Gasolina → P0.50-P0.60/litro
  •  Diesel → P0.10-P0.20/litro
  •  Kerosene → Walang galaw

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng gasolina habang P0.10 hanggang P0.20 naman ang tapyas sa presyo ng diesel.
    
Wala namang inaasahang galaw sa presyo ng kerosene.

Epektibo ang rollback sa Martes, Oktubre 29.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.