ALAMIN: Presyuhan sa Dangwa 1 linggo bago ang Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 03:27 PM | Updated as of Oct 26 2019 07:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nakapako o stable pa rin ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila ngayong Sabado o kulang 1 linggo bago ang Undas, ayon sa ilang tindera. 

Ilan sa mga bulaklak dito ay galing Cagayan, Bukidnon, at Baguio. 

PRESYO NG MGA BULAKLAK 

  • Malaysian Mums → P150/bouquet
  • Carnation → P170/bouquet
  • Daisy → P150/bouquet
  • Gerbera → P150/bouquet
  • Arranged basket flowers → P200-P350
  • Corona wreath → P1,500-P2,000

Ayon sa tindera na si Emy Gibas, posibleng tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Martes. Oktubre 29, kung saan inaasahan ang pagtaas ng demand.

Pero kung sakali, nasa P10 hanggang P20 lang ang inaasahang dagdag dito, ayon kay Gibas. 


—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.