Rollback sa petrolyo nagbabadya sa linggo ng Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2020 05:43 PM

Magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa paparating na linggo, linggo ng Undas, ayon sa mga taga-industriya. ABS-CBN News/File Photo

MAYNILA - Magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa paparating na linggo, linggo ng Undas, ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang bawas sa presyo ng petrolyo:

  • Kerosene → P0.15 - P0.25/litro
  • Diesel → P0.25 - P0.35/litro
  • Gasolina → P0 - P0.10/litro

Ang kerosene, maglalaro sa P0.15 hanggang P0.20 kada litro ang magiging rollback.

Maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 ang bawas-presyo sa diesel.

Ang gasolina posibleng mapako ang presyo o mag-rollback na hanggang P0.10 kada litro.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.