Oil firms may rollback sa langis simula Oktubre 22

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 02:36 PM

MAYNILA - Nag-anunsiyo ang ilang oil firms na magkakaroon sila ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula alas-6 ng umaga ng Oktubre 22. 

Ayon sa Shell, Chevron, Seaoil, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, at TOTAL, P0.25 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina, at P0.10 sa kada litro ng diesel. 

Tatapyasan din ng Shell, Chevron, at Seaoil, ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Nauna nang magpatupad ng rollback na P0.15 sa diesel at P0.40 sa gasoline ang Cleanfuel. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.