PatrolPH

'Big time' rollback sa presyo ng langis ipinatupad na sa ilang gasolinahan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2018 01:41 PM

May kasunod agad na big time rollback ang bawas-presyo sa presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo.

Nauna nang nag-rollback nitong alas-6 ng umaga Sabado ang Phoenix Petroleum at susunod naman sa hapon ang Clean Fuel

ROLLBACK NG PHOENIX PETROLEUM AT CLEAN FUEL:

  •  Gasolina → P2.00/litro
  •  Diesel → P0.90/litro

    
Ang Petro Gazz at Unioil, pareho rin ang itatapyas sa presyo pero alas-6 ng umaga sa Linggo pa nila ito ipatutupad.

ROLLBACK NG PETRO GAZZ AT UNIOIL:

  • Gasolina → P2.00/litro
  • Diesel → P0.90/litro

Hindi pa nag-aanunsiyo ang malalaking kompanya ng langis kung magkano ang magiging rollback sa kanilang mga produktong petrolyo pero inaasahan ito sa Lunes o Martes.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE), dumami ang suplay ng krudo sa pandaigdigang merkado kaya bumagsak ang presyo ng petrolyo.

Bago ang dalawang magkasunod na rollback, siyam na beses namang nagtaas ang presyo ng petrolyo na umabot din nang mahigit P5 kada litro sa diesel at gasolina.

 
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.