#WalangTubig: Higit 42,000 kabahayan at negosyo sa Rizal sa Oct. 21-22

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2020 02:38 PM

Kumukuha ng tubig mula sa tangke ang ilang residente ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong noong Hunyo 19, 2019 sa gitna ng water interruption. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Inabisuhan ng Manila Water ang ilang kostumer nito sa Rizal province na mag-ipon ng tubig dahil sa nakatakdang service interruption simula gabi ng Miyerkoles hanggang madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Manila Water, 42,289 kabahayan at negosyo sa 26 barangay sa Rizal ang apektado ng service interruption bunsod ng maintenance activity o pagkukumpuning isasagawa sa Siruna Pumping Station sa Barangay Mambugan, Antipolo.

Simula alas-9 ng gabi ng Miyerkoles hanggang alas-5 ng madaling araw ng Huwebes, makararanas ng kawalan o mahinang pressure ng tubig ang mga sumusunod na barangay:

ANTIPOLO CITY

  • Bagong Nayon
  • Mambugan
  • Mayamot (Pagrai area only)
  • Cupang (Pagrai area only)
  • Dalig (except along Road to Teresa, Tapales, Gamboa)
  • Dela Paz
  • Sta. Cruz
  • San Isidro (except Bermuda Heights, Buliran Road, along Circumferential Road) 
  • San Roque 
  • San Luis (except Corville, Biong, Primavera)
  • San Jose (except Marcos Highway)

TERESA

  • Poblacion 
  • San Gabriel 
  • May-Iba 
  • Dulumbayan 
  • Calumpang 
  • Sto. Cristo 
  • Prinza 
  • Bagumbayan 
  • Dalig 
  • San Roque

MORONG

  • San Guillermo

BINANGONAN

  • Tayuman (Ilang bahagi)
  • Palangoy (Ilang bahagi)

ANGONO

  • Mahabang Parang

TAYTAY

  • Dolores
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.