Presyo ng petrolyo may bahagyang rollback simula Oktubre 22

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2019 06:04 PM

MAYNILA — Bagama't maliit lang, magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo simula Oktubre 22, Martes.

 Tinatayang bawas-presyo sa petrolyo:

  •  Gasolina → P0.30-P0.40/litro
  •  Diesel → P0.00-P0.15/litro
  •  Kerosene → P0.20-P0.30/litro

Ayon sa mga taga-industriya, pababa ang presyo sa international market dahil sa paglaki ng imbentaryo ng langis ng US at paghina ng overall demand ng langis lalo na sa China.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.