Serbisyo ng mga ATM ng BPI, nagkaaberya

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 10:39 PM | Updated as of Oct 19 2018 11:57 PM

MAYNILA (2nd UPDATE) - Nagkaaberya ang ilang serbisyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) simula Biyernes ng hapon.

Ayon sa ilang customer, bagamat online ang mga ATM ay hindi naman sila makapag-withdraw dahil lumalabas sa ATM na naabot na nila ang maximum withdrawal limit kahit unang beses pa lamang nilang magwi-withdraw.

Mayroon ding hindi makapagwire-transfer o makapagpadala ng pera sa ibang account at hindi magamit ang kanilang debit cards.

Sa Quezon City, marami sa mga ATM ay offline habang ang iba naman ay maayos tulad sa BPI Kamuning, kung saan nakapagwithdraw naman ang mga customers.

Ang ilan, nagulat nang umabot sa milyong piso ang laman ng kanilang account balance bagamat hindi naman ito nawi-withdraw.

Sa isang pahayag, humingi ng paumanhin ang BPI at sinabing kasalukuyang sumasailalim sa system maintenance ang kanilang EMV debit cards at hindi muna magagamit sa mga transakyon sa ATM at Point of Sale (POS) terminals.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.