Dagdag-presyo sa diesel, kerosene sa ika-2 sunod na linggo nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2020 03:32 PM | Updated as of Oct 17 2020 06:49 PM

Ito ang ika-2 sunod na linggong magkakaroon ng sabay na taas-presyo sa singil ng diesel at kerosene. ABS-CBN News/File

MAYNILA - Matapos ang dagdag-presyo noong Martes, magkakaroon muli ng dagdag-presyo sa diesel at kerosene sa susunod na linggo habang may rollback naman sa gasolina, ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:
• Kerosene → P0.15 - P0.25/litro (dagdag)
• Diesel → P0.20 - P0.30/litro (dagdag)
• Gasolina → P0.30 - P0.40/litro (bawas)

Watch more in iWantTFC

Magkakaroon ng P0.15 hanggang P0.20 dagdag sa presyo ng kerosene habang P0.20 hanggang P0.30 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel. 

Ang gasolina naman, may rollback na P0.30 hanggang P0.40 kada litro. 

Ito na ang ika-2 sunod na linggong nagkaroon ng sabay na taas-presyo sa singil ng diesel at kerosene. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.