Nagpapakarga ang isang tricycle driver sa bisperas ng oil price hike noong 2019. Jire Carreon, ABS-CBN News/File
Sa ika-8 sunod na linggo ay tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo, ayon sa mga taga-industriya.
Taas-presyo sa petrolyo:
- Gasolina P1.90-P2.00/litro
- Diesel P1.40-P1.50/litro
- Kerosene P1.30-P1.40/litro
Maglalaro sa P1.90 hanggang P2 ang inaasahang taas-presyo sa gasolina, at P1.40 hanggang P1.50 dagdag-singil naman ang inaasahan sa kada litro ng diesel.
Aabot sa P1.30 hanggang P1.40 ang inaasahang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Nitong linggo ay naghain na ng fare hike petition ang mga tsuper sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Bagay ito na sinang-ayunan ng grupo ng mga commuter dahil umaaray na ang mga tsuper sa serye ng taas-presyo, maging sa mga restriction na dala ng pandemya.
Ipinasususpende rin ang pagpapatupad ng excise tax dahil sa serye ng mga taas-presyo.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.