Coal-fired power plant sa Quezon, operational na

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2019 04:59 AM

April Magpantay, ABS-CBN News

QUEZON—Operational na ang 500-megawatt (MW) supercritical coal-fired power plant sa bayan ng Mauban, Quezon.

Nakatakda na ring mag-supply ng kuryente sa Luzon Grid ang San Buenaventura Power Ltd. Co. (SBPL) na may halagang P56.2 bilyon.

"[This is] the most advanced baseload coal plant in the Philippines today, using high-efficiency, low-emission of what we refer to as HELE technology," ani Meralco PowerGen Corp. (MGen) President Rogelio Singson.

Nilinaw ni Singson na kumpara sa mga tipikal na coal-fired power plant, 70 porsiyentong mas mababa ang emission ng naturang planta.

"Talagang meron pa ring emissions. Let's face it. We're not lying na zero percent emission 'yan. There's still, but as a citizen ano ba ang mahalaga sa atin, it is price sensitive," aniya.

Ang SBPL ay joint project ng MGen at New Growth BV, na subsidiary ng Electricity Generating Company of Thailand (EGCO).

Panawagan naman ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera, koordinasyon at suporta mula sa komunidad para sa mga susunod pang proyekto na pang-elektrisidad sa lalawigan.

"Andaming kumontra. Ngayon nakita natin, 'yong pagkontra pala hindi dapat iyon pinahaba," aniya.

Ayon naman kay Energy Secretary Alfonso Cusi, bukas ang Pilipinas sa iba't ibang klase ng source ng elektrisidad, lalo na sa kakulangan ng transmission nito sa bansa.

"My partner had mentioned that we are in yellow alert... The problem of our country is capacity. Energy security is primary and we need to do that," aniya.—Ulat ni April Magpantay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.