Manufacturers ng Noche Buena products humirit ng taas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 02:26 PM | Updated as of Oct 15 2020 06:48 PM

Mga tauhan ng isang supermarket sa Quezon City noong Marso 25, 2020. Gigie Cruz, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Humirit ng taas-presyo ang mga manufacturer ng ilang produktong ginagamit sa paghahanda ng Noche Buena, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Nasa 1 hanggang 18 porsiyento ang gustong dagdag-presyo ng mga manufacturer ng hamon, spaghetti, tomato sauce, elbow macaroni, creamer, sandwich spread, mayonnaise, at fruit cocktail, sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Pero tiniyak ni Castelo na pag-aaralan muna ito ng gobyerno.

Pangunahing dahilan umano ng manufacturers sa paghiling ng taas-presyo ay ang pagmahal ng raw materials.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dati nang humirit ng dagdag-presyo ang manufacturers ng hamon dahil daw sa pagmahal ng local at imported pork.

Ayon sa CDO Foods, hanggang P20 kada pakete lang naman ang kanilang dagdag-presyo.

Pero sa listahan ng DTI, may isang brand na nasa P49 kada piraso ang hirit na dagdag.

Inaasahang sa unang linggo ng Nobyembre maglalabas ang DTI ng suggested retail price ng Noche Buena products.

Sa isang kilalang tindahan ng hamon sa Echague, Maynila, nagmahal nang P40 kada kilo ang presyo ng Chinese ham o sliced ham.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.