ALAMIN: 'Dagdag-bawas' sa presyo ng petrolyo simula Oktubre 15

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 03:41 PM | Updated as of Oct 14 2019 08:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon sila ng dagdag sa presyo ng kanilang gasolina at bawas sa presyo ng diesel at kerosene simula Martes, Oktubre 15.

Nag-abiso ang Total, PTT Philippines, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, at Cleanfuel na magkakaroon ng P0.25 dagdag sa kada litro ng gasolina, at P0.10 bawas-presyo sa kada litro ng diesel. 

Ayon sa mga taga-industriya, humina ang suplay ng imported na gasolina dahil sa mga maintenance shutdown ng ilang refinery sa Asya. 

Magkakaroon naman ng P0.25 dagdag sa kada litro ng gasolina, at P0.10 bawas-presyo sa kada litro ng diesel, at P0.40 bawas sa kada litro ng kerosene ang Seaoil at Flying V. 

Nauna nang nagpatupad noong hapon ng Linggo ang Shell ng P0.25 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P0.10 bawas-presyo kada litro sa presyo ng diesel, at P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene. 

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga ng Oktubre 15.-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.