Oil firm nag-abiso ng 'dagdag-bawas' sa singil ng langis simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 04:50 PM

Nag-abiso ang Shell na magkakaroon sila ng "dagdag-bawas" sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Oktubre 15. 

Magkakaroon ng P0.25 kada litrong dagdag-singil ang Shell simula Martes. 

Magkakaron naman sila ng bawas-singil na P0.10 kada litro sa presyo ng diesel at P0.40 sa kada litro ng kerosene. 

Ang Shell ang unang kompanyang nag-abiso sa ukol sa singil ng kanilang produktong petrolyo sa paparating na linggo. 

Una nang sinabi ng mga taga-industriya na magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa gasolina, habang bababa ang singil sa kerosene at diesel. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.