PatrolPH

ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo sa ilang gasolinahan simula Sabado

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 03:19 PM

Matapos ang siyam na linggong sunod-sunod ang oil price hike, may bawas-presyo sa petrolyo dahil sa pagmumura ng imported fuel.
    
Inunahan na ng ilang oil players ang mga malalaking kompanya ng langis at nagtapyas na sa kanilang presyo nitong Sabado.

Ngayong araw ay nag-rollback na agad ang Phoenix Petroleum, Petro Gazz, at Unioil.

ROLLBACK NG PHOENIX, PETRO GAZZ, UNIOIL:
• Gasolina → P0.80/litro
• Diesel → P0.60/litro
• Kerosene → P0.20/litro
    
Ang Seaoil, nagbawas-presyo na rin nitong Sabado.

ROLLBACK SA SEAOIL:
• Gasolina → P0.85/litro
• Diesel → P0.65/litro
• Kerosene → P0.20/litro

Samantalang ang Shell, sa Martes pa ipatutupad ang kanilang bawas-presyo sa petrolyo.

ROLLBACK NG SHELL
• Gasolina → P0.85/litro
• Diesel → P0.65/litro
• Kerosene → P0.20/litro
    
Batay sa kuwenta ay maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang rollback sa gasolina, P0.50 hanggang P0.60 kada litro naman sa diesel, at P0.10 hanggang P0.20 kada litro sa kerosene.    
 
Gayunpaman, umabot din nang mahigit P5 kada litro ang kabuuang oil price hike sa diesel at gasolina sa loob ng siyam na linggo nang walang humpay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
    
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.