Presyo ng diesel tataas, gasolina tatapyasan sa Oktubre 13

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2020 10:21 AM | Updated as of Oct 12 2020 03:36 PM

MAYNILA (UPDATE) - Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng diesel at pagbaba sa presyo ng gasolina simula Martes, Oktubre 13, ayon sa mga oil firm.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Flying V, Total, at Petron, P0.45 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Petron, Flying V, at Seaoil ng P0.55 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.