#WalangTubig: Bahagi ng Quezon City, Caloocan, Malabon

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 03:26 PM | Updated as of Oct 12 2018 04:13 PM

Nag-abiso ang Maynilad na mawawalan ng tubig sa ilang bahagi ng Quezon City, Caloocan, at Malabon na nagsimula nitong alas-12 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi. 

Ayon sa kanila, kinakailangan nilang mag-ipon ng tubig sa kanilang mga reservoir para sa Sabado, Oktubre 13, kung saan magkakaroon anila ng peak demand.

Maaari rin daw magkaroon ng pag-antala sa pagbalik ng supply sa ilang lugar dulot ng posibleng layo sa pumping station at volume withdrawal sa mga main lines ng Maynilad. 

Narito ang mga apektadong barangay:

QUEZON CITY

  • Baesa
  • Bahay Toro
  • Bungad 
  • Katipunan
  • San Antinio
  • Sangandaan
  • Sauyo 
  • Talipapa 
  • Tandang Sora
  • Unang Sigaw
  • Veterans Village 

 MALABON 

  • Accasia
  • Potrero
  • Tinajeros
  • Tugatog

CALOOCAN 

  • Barangay 156 hanggang 164
  • Baesa

MAYNILA

  • Barangay 234 hanggang 237
  • Barangay 239
  • Barangay 241 
  • Barangay 243
  • Barangay 244, 246
  • Barangay 260 hanggang 266
  • Barangay 326 hanggang 328
  • Barangay 331 hanggang 334
  • Barangay 353 hanggang 362
  • Tondo
     
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.