Dagdag singil sa diesel, kerosene nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2020 04:46 PM

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-presyo sa diesel at kerosene sa susunod na linggo, habang may kakarampot na rollback sa gasolina ayon sa mga taga-industriya.

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:
• Kerosene → P0.50 - P0.60/litro (dagdag)
• Diesel → P0.40 - P0.50/litro (dagdag)
• Gasolina → P0.10 - P0.20/litro (bawas)

Ang presyo ng kerosene, may dagdag-presyo na P0.50 hanggang P0.60 kada litro. 

Samantala, nasa P0.40 hanggang P0.50 kada litro ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel. 

Maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina. 

Samantala, hindi pa natatanggap ng Department of Energy ang desisyon ng Court of Appeals na pumabor sa pagpapatigil sa paghimay sa presyo ng petrolyo. 

Plano ng DOE na maghain ng motion for reconsideration para kuwestiyonin ang desisyon sa Korte Suprema kung kinakailangan. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News