Presyo ng produktong petrolyo, bababa sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2017 03:41 PM

Nakatakdang bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo simula hatinggabi ng Martes.

Babawasan ng Shell Philippines, Flying V, SEAOIL, at Phoenix Petroleum ang presyo ng gasolina ng P0.50 kada litro, diesel ng P0.40 kada litro at kerosene ng P0.85 kada litro.

Epektibo ang rollback ng Flying V at SEAOIL ng Oktubre 10, alas-6 ng umaga, habang magtatpyas ng presyo ang Shell at Phoenix ng 12:01 ng hatinggabi.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.